...and because I'm becoming very good w/ hiatus lately, my tale for the week is of something very bad, just read it thru the rhyme -
.
Sa minsan kong pagsisipilyo,
May dumapo sa batong-lababo,
"Waaa!" kay-itim na paa
ehiptong herodes maghugas pala
At ang “tronong” pinagharian ng iba?
Ah di bale na,
karumal-dumal nasilip nitong mata
.
Lakbayin nalang natin
Kadilimang sulok ng salang-hardin
Wag lang pasaklot sa takot
Sa pugad ng indyanong tapis ng kumot
Malakapreng balahibo,
pantaas nilang saplot
Sa dako pa roon,
nagpipistang mga miron
may sabong ng negro't hapon
Hiyawan, palakpakan
may singkit ring nagkakalmutan!
Dahilan ng mapulang bakbakan? -
agawan sa lumang plantsahan
Kantina ma’y samut’-saring amoy
Walang panama bagoong ng Pinoy
Mga kutsarang kamay,
Namumulaklak sa kaning may kulay
Kailangan ang abilidad sa pagilag
Pag mumo sa ere pinagpag,
- sa pisngi’t baro mo siguradong lalapag
Hiningang di maatim langhapin
Lenggawaheng tenga'y ayaw tanggapin
Malatikbalang na tawa,
wala sa tonong kanta
Mga paang mistulang
nangangabayo sa kalsada
O Matayog kong Akomodasyon:
Ikaw ba sami'y Konsolasyon
o parusang Kunsumisyon?
.
Gantimpala kaya ang kadawagang ito
Nang pinili kong talikdan Inang bayan ko?
Dirhamo sa gintong Puno ng mga Arabo
Kaytinik ng sanga tungo sa rurok mo,
Sa probinsyang payak namin,
Mainam pa yatang bukid araruhin.
.
(In retrospect of the nerve-wrecking "jungle" I and my fellow remittance heroes had to combat & survived for years. I heared from an "x-con" mate, the prison break-inspired building were closed down for commercialism upgrade. -so it is now, but a mere creepy memory).

10 comments:
coool post. galing naman!
naiintindihan kita..galing din ako sa ganyan..ok ang tulang ito..
Dumugo ilong ko.... ahahahahahaha... pero bakit ganun... iba ang tumatakbo sa isip ko... medyo malaswa... jejejejejeje... -peace-
@henry & a: txs.
@xp: naku eh, magwipe ka muna bro...marami pakong ganito hee..ano kaya ung pumasok sa isip mo dude..sharemo.
Napakalalim naman ng mga terms. Maganda siyang basahin tapos ang lalim din ng .... hindi ko na maisip ang tamang term... napakalalim ng theme. Sarap basahin paulit ulit.
i so love this one Kuya AJ.
nakarelate ako.. hehehehehe! :D
parekoy! NOSEBLEED! grabe naman! ilang bahagi lang ng iyong tula ang aking naintindihan! hehe.
@red:..txs parekoy, u sounds like u can relate w/ this. practice lang po ito, hehe..
@NightC: ay sori bro, if i were u, b like red..read, read, read,,hehe.ty. hangang sa muli.
@Azel: ay salamat at may isang nakarelate. ...
na miss ko ang mga ganitong post ah! walang ka kupas kupas parekoy! two thumbs up talaga ako sayo! mapa ingles o tagalog, saludo ako! :)
thanks AJ ... wow... what a nice comment from you.. very inspiring.. thanks... i will visit you too more often and learn from your way of thinking..
happy blogging... Merry Christmas to you.
thanks for adding me to your roll..
Post a Comment