O kay inam ng aking pagtulog
Nang orasan tenga ko’y kinalantog
Salbaheng relo – ginunting panaginip ko
Labag man sa kalooban,
Bigat ng katawa’y kinalaban
Eh Kailangan:
Scholar don saming bayan
Remittance ko inaasahan
Umuusok na kape at tubig sa balde
Pang-umagang mga kumpadre
Pantapat sa antok na umaatake
Traffic na kay lupit, pagpasok ko namay sinipit
Mahabaging Langit, salamat tinig koy dininig
Isang minutong taning sa Office
hingal kabayo kong narating
Teka sandali, leeg muling nababali
Hikab at unat di mapawi
Ahhh…Antok na Diablo – batok ko, lubayan mo!
Minsan pang inusal, taimtim na dasal
Na huwag masalamin ng among sumpungin
pagsara nitong lupaypay na paningin
kundi baka sa susunod na paggising
Talbos ng kamote muling kainin
Pagpupuyat na walang puknat
Panahon na upang hatak moy maawat
Disiplina sa sariling totoo
sa taong bago,
nasa top 10 ka ng Listahan ko!